May natanggap akong isang mensahe galing sa isa kong online fan at nakuha nito ang aking atensyon. Ang tanong niya ay ganito. ” Sir Emerson, ang anak ko po kasi ay natutong manghingi ng pera dahil sa mga kapatid ko. Kung ano-ano po ang binibili niya tuwing binibigyan siya ng mga tito at tita nya ng pera. Ano po ba ang dapat gawin para mapigil ko ang paghihingi niya ng pera?” Idadaan ko sa isang blog para mai-share ko sa maraming tao ang opinion ko sa usaping pera para sa mga bata.
Para sa karamihan, ang panghihingi ng isang bata ng pera ay hindi magandang ugali. Isa rin ito sa mahigpit na bilin sa akin ng aking nanay. Ang paghawak ng pera ay tungkulin lamang ng mga matatanda. Off limit ang mga barya at peso bill sa mga chikiting. Ang ganitong paniniwala ay matagal ng nawala o outdated na simula ng pumasok ang information age. Ang evolution ng ating komunidad ay tuloy tuloy. Halos lahat ng information ay makikita at mahahanap mo na kung saan saan. Ano ang ibig kong sabihin bakit nasama ang information age dito? Simple lang, ang mga bata sa siglong ito ay mas marurunong at mas mabilis matuto dahil sa mga
impormasyong nakukuha nila sa tv,radyo at maging sa internet. So balik tayo sa usaping pera sa kanilang murang edad.
Ano ang papel nating matatanda pagdating sa usaping pera sa mga bata?
1. Huwag nating pigilan ang bata sa paghingi ng pera. Sa halip ay turuan natin sila kung paano humawak ng pera ng tama habang bata.
2. Turuan natin silang magipon at maging responsable sa paggastos ng pera.
3. Turuan natin silang palaguin ang perang naipon tulad ng pagtatayo ng kanilang mini business. Some of our educational institution are now teaching this kind of concept sa mga kid.
Kung mabibigyan natin sila ng tamang edukasyon o kaalaman pagdating sa pananalapi, sa kanilang murang edad. Malaki ang maitutulong nito sa oras na lumaki sila. Ang ganitong usapin ay hindi itinuturo sa eskwelahan.
Your Partner to Success,
Your Partner to Success,
0 comments:
Post a Comment